Ano ang Liliw Laguna?
Ang Bayan ng Liliw ay Ika-apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna Pilipinas. Isa sa mga matataas na bayan ang Liliw na bumubuo sa katimugang bahagi ng lalawigan. Ayon sa senso noong 2008,
may populasyon itong 32,727, kung saan ang may 6,545 kabahayan ay nasa
poblasyon at sa iba ibang barangay. Tinatayang nasa 8,317 ng populasyon
ay nakatira sa poblasyon o sentro ng bayan habang ang 24,410 ng
populasyon ay nasa mga kalapit na barangay.
May kabuuang sukat na 88.5 milya parisukat ang bayan. Naghahanggan ito sa Sta. Cruz sa hilagang-kanluran; ng Magdalena sa hilagang-silangan; ng Majayjay sa silangan; Nagcarlan sa kanluran at ng Dolores, Quezon sa timog.
Ang kabuuang sukat ng kalupaan ay umaabot sa 5,680.65 ektarya at ito
ay nahahati sa 33 barangay. Ang kabuuang sukat ng barangay sa senro ng
bayan o poblasyon ay 23.32 ektarya kung saan ang natitirang ibang bahagi
ng lupa sa timog at hilaga ay nakalaan sa agrikultura at pananim. Ito
ay nakaposisyon sa paanan ng bundok na mayroon taas na 1,200 piye mula
sa pantay-laot.
Sikat ang Liliw sa mga malalamig na tubig bukal, katutubong matatamis
na gawang-bahay at sumisikat / dinadayo na industriya ng sapatos.
Ang Munisipalidad ng Liliw ay nakakaranas ng 2 uri ng panahon:
Tagulan at Taginit. Ang Tag-init ay naguumpisa sa buwan ng pebrero at
natatapos sa buwan ng hunyo. Ang Tagulan naman ay naguumpisa sa buwan ng
Hulyo hanggang sa katapusan ng Disyembre.
Mga Pinagmamalaking Produkto ng Liliw Laguna
Sa bayang ito ay mga ipinagmamalaking produkto kanilang ipapakilala namin sa inyo:
- Tsinelas- Ito ang pangunahing at sikat na produkto na kanilang ipinagmamalaki. MATITIBAY at MAY DELIKAD ang paggawa nila ng mga tsinelas. Kaya nga sila tinaguriang "Tsinelas Capital ng Laguna" dahil sa comportble at nakasanayang gamitin bilang sapin sa paa ang mga tsinelas kanilang ginawa.
- Lambanog- Isa itong alak na gawa sa masasarap na sangkap. Ang kanilang paggawa ng lambanog ay hindi lang gawa sa niyog kundi sa dagta ng puso ng niyog.
- Uraro- Ito ay isang pagkain kung saan ibinbenta ito sa Gat Tayaw Avenue sa Liliw. Ito ay nagkakahalaga ng Php 100 sa tatlong pakete.
Halina sa Liliw, upang bumili ng mga produkto na nakakaaliw!!!
P.S. Sa susunod ng aming post ay mga proyekto na aming ginawa upang kayo ay magkaroon pa ng kaalaman tungkol sa aming napiling bayan... (Susunod: PROYEKTO 1- Poster)