Sunday, December 15, 2013

Halina sa Liliw: Pagkilala

Ano ang Liliw Laguna?


Ang Bayan ng Liliw ay Ika-apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna Pilipinas. Isa sa mga matataas na bayan ang Liliw na bumubuo sa katimugang bahagi ng lalawigan. Ayon sa senso noong 2008, may populasyon itong 32,727, kung saan ang may 6,545 kabahayan ay nasa poblasyon at sa iba ibang barangay. Tinatayang nasa 8,317 ng populasyon ay nakatira sa poblasyon o sentro ng bayan habang ang 24,410 ng populasyon ay nasa mga kalapit na barangay.
May kabuuang sukat na 88.5 milya parisukat ang bayan. Naghahanggan ito sa Sta. Cruz sa hilagang-kanluran; ng Magdalena sa hilagang-silangan; ng Majayjay sa silangan; Nagcarlan sa kanluran at ng Dolores, Quezon sa timog.

Ang kabuuang sukat ng kalupaan ay umaabot sa 5,680.65 ektarya at ito ay nahahati sa 33 barangay. Ang kabuuang sukat ng barangay sa senro ng bayan o poblasyon ay 23.32 ektarya kung saan ang natitirang ibang bahagi ng lupa sa timog at hilaga ay nakalaan sa agrikultura at pananim. Ito ay nakaposisyon sa paanan ng bundok na mayroon taas na 1,200 piye mula sa pantay-laot.
Sikat ang Liliw sa mga malalamig na tubig bukal, katutubong matatamis na gawang-bahay at sumisikat / dinadayo na industriya ng sapatos.
Ang Munisipalidad ng Liliw ay nakakaranas ng 2 uri ng panahon: Tagulan at Taginit. Ang Tag-init ay naguumpisa sa buwan ng pebrero at natatapos sa buwan ng hunyo. Ang Tagulan naman ay naguumpisa sa buwan ng Hulyo hanggang sa katapusan ng Disyembre.

 Mga Pinagmamalaking Produkto ng Liliw Laguna

 Sa bayang ito ay mga ipinagmamalaking produkto kanilang ipapakilala namin sa inyo:

  • Tsinelas- Ito ang pangunahing at sikat na produkto na kanilang ipinagmamalaki. MATITIBAY at MAY DELIKAD ang paggawa nila ng mga tsinelas. Kaya nga sila tinaguriang "Tsinelas Capital ng Laguna" dahil sa comportble at nakasanayang gamitin bilang sapin sa paa ang mga tsinelas kanilang ginawa.
  • Lambanog- Isa itong alak na gawa sa masasarap na sangkap. Ang kanilang paggawa ng lambanog ay hindi lang gawa sa niyog kundi sa dagta ng puso ng niyog. 
  • Uraro- Ito ay isang pagkain kung saan ibinbenta ito sa Gat Tayaw Avenue sa Liliw. Ito ay nagkakahalaga ng Php 100 sa tatlong pakete.

Halina sa Liliw, upang bumili ng mga produkto na nakakaaliw!!!

P.S. Sa susunod ng aming post ay mga proyekto na aming ginawa upang kayo ay magkaroon pa ng kaalaman tungkol sa aming napiling bayan... (Susunod: PROYEKTO 1- Poster)  



42 comments:

  1. Nice!
    You May now promote your blog..
    - authorize by sir Dawisan

    ReplyDelete
  2. madalas kami sa Liliw Laguna kasi taga-San Pablo Laguna lang si mommy. Ang galing ng blog nyo. Gusto ko tuloy magpunta ulit doon.

    ReplyDelete
  3. Ang ganda ng blog niyo! Nais ko tuloy puntahan ang Liliw, Laguna!

    ReplyDelete
  4. Nakakaaliw ang blog ninyo! Siguradong maeenganyo ang mga turista na magpunta rito ^_^

    ReplyDelete
  5. Hindi ko alam to ah. Salamat sa blog nyo nagkaroon ako ng impormasyon tungkol dito :)

    ReplyDelete
  6. Nakaka-aliw at tunay na nakakawili... Gusto ko makita ang mga produkto!

    ReplyDelete
  7. Di hamak na orihinal na produktong Pinoy!

    ReplyDelete
  8. wow! good job doing this blog!
    maganda nga dyan sa liliw.

    ReplyDelete
  9. galing nito liv! matibay sang gawang tsinelas dyan

    ReplyDelete
  10. Matitibay ang tsinelas at sandals from Liliw Laguna. Nice project!

    ReplyDelete
  11. Ang ganda!!!! :) Ang galing dahil maraming mga bagay pa pala tungkol sa Liliw na ngayon ko lang nalaman. Very good tong blog nyo na ito. Good job! :)

    ReplyDelete
  12. maganda nga sa liliw!tara buy tau shoes!!!nice blog!!!

    ReplyDelete
  13. may sapatos ako gawang liliw...talagang subok na matibay!!!!subok na matatag!!!!nice work!

    ReplyDelete
  14. noong pumunta kami ng lliliw, nakakita kami ng sari-saring sapatos,maganda na mura pa!

    ReplyDelete
  15. sabihin mo sa tatay drive kmi dyan hehehe...ganda dyan!

    ReplyDelete
  16. Maganda at malaman ang inyong blog. Siksik ito sa impormasyon :)

    ReplyDelete
  17. Ang galing nyo Lex! Ang ganda ng blog nyo!

    ReplyDelete
  18. Galing ng blog nyo, nak! balik tayo dyan! :)

    ReplyDelete
  19. Ang ganda pala ng mga produkto diyan! Pupunta nga ako diyan at makabili ng mga produkto nila...

    ReplyDelete
  20. convincing ah! Although noon ko pa alam ang gawang Liliw, de kalidad nga. Nagdadala mgga friends ko as pasalubong. Good Job! :)

    ReplyDelete
  21. tama ang ganda ng proyekto nyo.//

    ReplyDelete
  22. Try ko punta ako dyan..sa Liliw daming mga gamit..ang saya.
    :P

    ReplyDelete
  23. Magaling! Ang ganda nga sa Liliw! Ang ganda ng blog nyo! :)

    ReplyDelete
  24. Nice blog! I'll make sure to visit Liliw.

    ReplyDelete
  25. Nice blog, sis! Parang gusto ko tuloy bumili ng shoes dyan. ;)

    ReplyDelete
  26. Interesting blog. makapunta nga dyan sa Liliw :)

    ReplyDelete
  27. It'smore fun in Liliw! matibay na ang mga sapatos, ang gaganda pa! Nice blog!

    ReplyDelete
  28. punta tayo sa liliw sa summer vacation!!!

    ReplyDelete