Wednesday, December 18, 2013

Halina sa Liliw PROYEKTO 4: Infomercial

Sa paggawa ng aming infomercial ay may natagpuan kami isang tindahan kung saan sari't sari mga tsinelas na aming nakita galing sa Liliw. Ito ay matatagpuan sa Boni Highway katabi ng Mercury Drugstore.



 





Pagpunta namin sa tindahan na ito ay namangha kami sa mga tsinelas na nakadisplay sa tindahan. Sa unang tingin namin ay MATITIBAY AT MAGAGANDA ang mga tsinelas. Sa murang presyo na ito ay talagang sulit sa ating mga bulsa. Ang may-ari ng tindahan na ito ay pinili niya ibenta ang mga ito sapagkat kinalakihan niya ang Laguna at nais niya ipakilala sa mga taga-Mandaluyong ang komportable at matitibay na mga tsinelas. Kaya nga naging malaking kita nila ang mga tsinelas galing Liliw. Kaya ano na? Tangkilikin natin ang tsinelas at iba pang mga produkto ng Liliw!!!

Ito ang aming video ng infomercial kung saan makikita ang mismong video ng tindahan ng sapatos na galing pa sa Liliw

5 comments:

  1. Nakakabilib ang mga pinoy! Mas lalo pang bibilib ang mga dayuhan dahil sa mga tsinelas na galing sa Liliw

    ReplyDelete
  2. Kung may Marikina shoes, sa Laguna, may Liliw naman. Kakaaliw sa Liliw!

    ReplyDelete
  3. Nakakatuwa na ang mga kabataan natin gaya ng grupong ito ay bukas ang mata sa pagmamahal sa bayan at marunong tumangkilik ng sariling atin.

    ReplyDelete
  4. Napaka-creative talaga ng mga Pinoy :)

    ReplyDelete