Wednesday, December 18, 2013

Halina sa Liliw PROYEKTO 4: Infomercial

Sa paggawa ng aming infomercial ay may natagpuan kami isang tindahan kung saan sari't sari mga tsinelas na aming nakita galing sa Liliw. Ito ay matatagpuan sa Boni Highway katabi ng Mercury Drugstore.



 





Pagpunta namin sa tindahan na ito ay namangha kami sa mga tsinelas na nakadisplay sa tindahan. Sa unang tingin namin ay MATITIBAY AT MAGAGANDA ang mga tsinelas. Sa murang presyo na ito ay talagang sulit sa ating mga bulsa. Ang may-ari ng tindahan na ito ay pinili niya ibenta ang mga ito sapagkat kinalakihan niya ang Laguna at nais niya ipakilala sa mga taga-Mandaluyong ang komportable at matitibay na mga tsinelas. Kaya nga naging malaking kita nila ang mga tsinelas galing Liliw. Kaya ano na? Tangkilikin natin ang tsinelas at iba pang mga produkto ng Liliw!!!

Ito ang aming video ng infomercial kung saan makikita ang mismong video ng tindahan ng sapatos na galing pa sa Liliw

Tuesday, December 17, 2013

Halina sa Liliw PROYEKTO 3:Brochure

Nilalaman ng aming brochure

Sa paggawa ng aming brochure ay binigyan namin ng karagdagang detalye tungkol sa produkto ng Liliw. Isa pa naming inimprove ay isinali ang LAMBANOG AT URARO bilang mga produkto ng Liliw.

Ang konsepto ng aming brochure ay ganito: Una nilagay namin ang seal ng bayan ng Liliw upang ipakilala sa mga tao at sa loob ang pinakanilalaman nito. Nilagay namin ang mga tindahan na kung saan makakabili ka ng mga ito. Ito ang mga larawan na gumagawa ng isa sa miyembro namin ng brochure.




Sa susunod pang post ay ang ikaapat na proyekto...



Halina sa Liliw PROYEKTO 2: Powerpoint Presentation

Ano ang nilalaman ng aming presentation?

Ang nilalaman ng aming presentasyon ay mga buong detalye ng mga produkto ng Liliw. Una ay nilagay namin ang mga dahilan kung bakit patuloy na tinatangkilik ng mga tao ngayong ang kanilang mga produkto. Isa pa namin nilagay ang yari, spesifikong mga tindahan na maaaring bilhin sa bayang ito at ang kahalagahan ito. Nasa ibaba ang preview ng aming presentasyon.




Nandito ang online viewing presentation namin:

http://www.viewdocsonline.com/document/7qp8hr


Sa susunod ng aming post ay ang ikatlo naming proyekto (Susunod: PROYEKTO 3- Brochure)

Halina sa Liliw PROYEKTO 1: Poster


Konsepto ng Aming Poster


Sa una naming proyekto na paggawa ng isang poster na kung saan ipapakilala namin sa inyo ang mga produkto ng Liliw ay nakagawa na kami ng konsepto para dito. Nasa ibaba ang aming draft na ginawa naming poster.


Isa pa naming naisip ay lagyan ng slogan upang tangkilikin ng mga tao ang mga produkto ng Liliw. At iyun ay "Tibay sa Bawat Hakbang". Ang kahulugan ng slogan na ito ay may kinalaman sa mga biktima ng Bagyong Yolanda. Ito ay nagbibigay pag-asa sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng poster na ito.

 


Ito ang mga bagay na sumisimbolo sa aming poster:


  • Tsinelas- Ito ang sumisimbolo sa bayan ng Liliw. Inilalarawan namin sila bilang MALAKAS AT MATIBAY ng pagsasama ng mga taga-Liliw.
  • Araw na may Pula at Asul na Laso- Sumisimbolo sa mga Pilipino na nanatili tangkilikin ang mga tsinelas at iba pang produkto ng Liliw.

 Sa susunod na post ay ang ikalawang proyekto ng aming ginawa (Susunod: PROYEKTO 2- Powerpoint presentation)


Sunday, December 15, 2013

Halina sa Liliw: Pagkilala

Ano ang Liliw Laguna?


Ang Bayan ng Liliw ay Ika-apat na klaseng bayan sa lalawigan ng Laguna Pilipinas. Isa sa mga matataas na bayan ang Liliw na bumubuo sa katimugang bahagi ng lalawigan. Ayon sa senso noong 2008, may populasyon itong 32,727, kung saan ang may 6,545 kabahayan ay nasa poblasyon at sa iba ibang barangay. Tinatayang nasa 8,317 ng populasyon ay nakatira sa poblasyon o sentro ng bayan habang ang 24,410 ng populasyon ay nasa mga kalapit na barangay.
May kabuuang sukat na 88.5 milya parisukat ang bayan. Naghahanggan ito sa Sta. Cruz sa hilagang-kanluran; ng Magdalena sa hilagang-silangan; ng Majayjay sa silangan; Nagcarlan sa kanluran at ng Dolores, Quezon sa timog.

Ang kabuuang sukat ng kalupaan ay umaabot sa 5,680.65 ektarya at ito ay nahahati sa 33 barangay. Ang kabuuang sukat ng barangay sa senro ng bayan o poblasyon ay 23.32 ektarya kung saan ang natitirang ibang bahagi ng lupa sa timog at hilaga ay nakalaan sa agrikultura at pananim. Ito ay nakaposisyon sa paanan ng bundok na mayroon taas na 1,200 piye mula sa pantay-laot.
Sikat ang Liliw sa mga malalamig na tubig bukal, katutubong matatamis na gawang-bahay at sumisikat / dinadayo na industriya ng sapatos.
Ang Munisipalidad ng Liliw ay nakakaranas ng 2 uri ng panahon: Tagulan at Taginit. Ang Tag-init ay naguumpisa sa buwan ng pebrero at natatapos sa buwan ng hunyo. Ang Tagulan naman ay naguumpisa sa buwan ng Hulyo hanggang sa katapusan ng Disyembre.

 Mga Pinagmamalaking Produkto ng Liliw Laguna

 Sa bayang ito ay mga ipinagmamalaking produkto kanilang ipapakilala namin sa inyo:

  • Tsinelas- Ito ang pangunahing at sikat na produkto na kanilang ipinagmamalaki. MATITIBAY at MAY DELIKAD ang paggawa nila ng mga tsinelas. Kaya nga sila tinaguriang "Tsinelas Capital ng Laguna" dahil sa comportble at nakasanayang gamitin bilang sapin sa paa ang mga tsinelas kanilang ginawa.
  • Lambanog- Isa itong alak na gawa sa masasarap na sangkap. Ang kanilang paggawa ng lambanog ay hindi lang gawa sa niyog kundi sa dagta ng puso ng niyog. 
  • Uraro- Ito ay isang pagkain kung saan ibinbenta ito sa Gat Tayaw Avenue sa Liliw. Ito ay nagkakahalaga ng Php 100 sa tatlong pakete.

Halina sa Liliw, upang bumili ng mga produkto na nakakaaliw!!!

P.S. Sa susunod ng aming post ay mga proyekto na aming ginawa upang kayo ay magkaroon pa ng kaalaman tungkol sa aming napiling bayan... (Susunod: PROYEKTO 1- Poster)